PhilHealth stakeholders, kinilala ng Bataan Local Health Insurance Office sa Employers’ Forum 2025
Kinikilala ng Bataan Local Health Insurance Office (LHIO) ng PhilHealth ang on-time remittance at pagre-report ng kanilang mga stakeholder. Kaugnay nito, ginanap ang Employers’ Forum 2025 sa Crown Royale Hotel, Bataan nitong Martes, May 20. May tema itong “Mabilis, Patas at Mapagkakatiwalaang PhilHealth”.

Sa tulong ng Subject Matter Experts mula sa Membership, Collection, Benefits and Administration, at Legal Services Sections ng PhilHealth, naibahagi sa mga PhilHealth Employer Engagement Representatives (PEERs) ang pinakabagong Benefit Package increases. Ipinaalala rin sa mga company representative ang obligasyon nila sa mga empleyado kaugnay ng enrolment at premium payments.
Itinampok din sa forum ang Konsulta Package — at ang mga wala pang Konsulta Package Provider (KPPs) ay sumagot ng registration form para rito o ang PKRF.
Bukod dito, naipakita sa kaganapan ang ugnayan ng PhilHealth Accounts Information Management Specialist (P-AIMS) at mga employer. Nagkaroon din ng Q&A kung saan nakibahagi at nagbigay ng kanilang feedback ang mga participant.
Nakatanggap naman ng tokens ang mga sumagot sa mga tanong mula sa SME maging ang mga nagpamalas ng kanilang competitive spirit sa palaro o “ice breakers” na hinanda sa forum.
Lubos ang pasasalamat ng PhilHealth Bataan sa mga dumalong employer at representative. #
