PBBM admin, handang sumabak sa lifestyle check: Malacañang

Bukas daw si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ang buong executive branch ng gobyerno na sumailalim sa lifestyle check bilang bahagi ng kampanya kontra katiwalian, ayon sa Malacañang.
Unang ipinatupad ang hakbang sa Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos matuklasan ang mga anomalya sa ilang flood control projects.
Ayon sa Palasyo, layunin nitong mapanagot ang mga opisyal na sangkot sa iregularidad.
Kasama rin sa posibilidad ang pagsisiwalat ni Marcos ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) kung kinakailangan para sa transparency na una ng panawagan ni Senator Risa Hontiveros.
Batay sa ulat ng “Sumbong Sa Pangulo” portal, higit 9,000 reklamo na kaugnay ng flood control projects ang natanggap ng pamahalaan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. #
