Mga nagparehistro para sa BSKE 2026, halos 800K na

Nasa halos 800,000 na ang bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2026.
Ayon sa Commission on Elections, mula October 20 hanggang November 30, umabot na sa 768,263 ang kabuuang aplikasyon sa buong bansa.
Karamihan rito o mahigit 600,000 ay para sa barangay elections, habang nasa 167,988 naman ay para sa SK elections.
Sa bilang ng mga bagong rehistrado, 211,197 ang edad 18 pataas. Mayroon ding halos 280 thousand na nagpa-transfer, habang 31,375 applicants naman ang nagpa-reactivate ng kanilang status.
Para sa SK voters na may edad 15 hanggang 17, nakapagtala ang Comelec ng 164,233 applications na mga bagong aplikante; higit 1,000 naman ang nagpa-transfer, at 2,686 naman ang nagpaayos ng kanilang datos.
Tatagal hanggang sa May 18, 2026 ang ginagawang voter registration ng Comelec, kung saan target ng Komisyon na makapagtala ng 1.4 million indibidwal. #
