Mga motorista na apektado ng mga nagdaang kalamidad, hindi muna pagmumultahin: LTO

Hindi na muna sisingilin ng multa ang mga motorista sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang mga bagyo at habagat mula July 21 hanggang 25, batay sa utos ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).
Kabilang dito ang singil sa late registration ng kanilang sasakyan, renewal ng driver’s license, at maging traffic violations.
Magre-resume ang pagbabayad ng mga weekly surcharge at iba pang penalties sa August 8, 2025.
Ang kautusang ito ay bunsod ng pinsalang dulot ng sunod-sunod na mga Bagyong Crising, Dante, at Emong, na nagdala ng malawakang pagbaha at nakaapekto sa mahigit 2.7 milyong Pilipino, lalo na sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa. #
