Malolos TechKonek, pormal nang inilunsad ng DOST-3
By Jazlei Tizon, CLTV36 News intern
Inilunsad ng Department of Science and Technology Region Three (DOST-3) sa tulong ng Provincial Science and Technology Office (PSTO) – Bulacan ang Malolos TechKonek sa Technomart, Vista Mall noong unang linggo ng Setyembre.Â
Ang Malolos TechKonek ay isang programang pang-agham na naglalayong ipagdiwang ang Science, Technology, at Innovation.
Kasama sa programa ng Malolos TechKonek ang Science Centrum Interactive Exhibit na maaaring bisitahin hanggang September 29.
Maliban pa rito, mabibisita ang MSME Trade Fair and Bazaar, AI-driven Historical Technology Hub para sa kasaysayan ng Bulacan.
Binuksan din ang Robotics, 3D Printing, at Food Innovation Technology Showcase.
Nagkaroon naman ng Career Guidance Forum ang Malolos TechKonek para sa iba’t ibang careers sa larangan ng Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM).
Kabilang sa mga dumalo sa ribbon-cutting ceremony sina PSTO Bulacan Provincial Director Angelita Parungao at Bulacan Vice Mayor Miguel Alberto Bautista.
Kasama ring dumalo sa launching ng programa ang iilang DOST partners kagaya nila Provincial Cooperative and Enterprise Development Office representative Atty. Jayric Amil, Bulacan State University President Dr. Teody San Andres, Department of Education Malolos Schools Division Superintendent Leilani Cunanan, at Malolos LGU City Administrator Joel Eugenio.
Nagkaroon din ng project presentation, at exhibit at bazaar tour sa lahat ng dumalo sa araw ng launching.