Mabagal na konstruksyon ng Tulaoc Bridge, perwisyo sa ilang residente ng San Simon
Umaalma na ang ilang mga residente ng San Simon, Pampanga dahil sa anila’y mabagal na rehabilitasyon ng Tulaoc Bridge.

Ayon sa mga nakausap ng CLTV36 News, malaki na ang perwisyong dulot nito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, lalo na sa mga estudyante.
Dagdag pasanin din umano ang pagtaas ng pamasahe matapos humaba o magbago ang ruta ng mga pampasaherong sasakyan.
Magdadalawang taon na mula nang simulan ang proyekto noong June 2024 na may pondong ₱113 million at target sanang unang matapos noong January 15, 2026.

Gayunman, kalaunan ay inusog o ni-revise ang completion date nito sa February 6, 2026, habang tumaas din ang contract cost sa mahigit ₱114 million.
Dahil dito, nananawagan ang ilang residente sa pamahalaan, kabilang si DPWH Secretary Vince Dizon, na pabilisin ang konstruksyon ng tulay upang maibsan ang kanilang dinaranas na hirap. #
