Korapsyon, laban ng taumbayan hindi ng politiko
Sa gitna ng kontrobersya hinggil sa umano’y katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan, naglabas ng komento ang beteranang broadcast journalist, feminist leader, at host ng So To Speak na si Sonia P. Soto.
Para kay Soto, hindi dapat tingnan ang usapin ng korapsyon bilang simpleng bangayan ng magkakamping pulitiko.
Aniya, matagal nang sakit ng buong political system ang korapsyon at hindi kayang linisin ng mismong mga nasa kapangyarihan ang sarili nilang hanay.
Dagdag pa niya, lahat umano ng nakaraang liderato ay may bahid ng katiwalian, kaya’t mali kung ilalagay sa konteksto ng personal na tunggalian ng mga lider.
Nagbabala rin si Soto sa ilang mga politiko na ginagamit ang kasalukuyang isyu sa kanilang pansariling interes.
Iginiit niya na ang laban kontra korapsyon ay dapat manatiling laban ng mamamayan at hindi dapat gawing props ng sinumang pulitiko. #
