Kiko Pangilinan, nanguna sa Mock Senatorial Elections ng Holy Angel University
By Rhandol Nixon Lapuz, CLTV36 News intern
Nanguna si dating Senator Kiko Pangilinan sa listahan ng mga senador na pasok sa Magic 12 ng Mock Senatorial Elections ng Holy Angel University (HAU) na isinagawa simula March 3 hanggang 13, 2025.
Nakapagtala ng 464 votes o 86.67% ng kabuuang boto si Pangilinan. Pumangalawa si Bam Aquino na may 454 na boto, habang nasa ikatlong pwesto naman si Heidi Mendoza.

Pasok din sa Magic 12 sina Luke Espirito, Danilo Ramos, Ka Leody De Guzman, Norman Marquez, Atty. Sonny Matula, Teddy Casiño, Arlene Brosas, Ronnel Arambulo, at Roberto Ballon.
Samantala, Akbayan naman ang napiling partylist group ng mga botante. Nakakuha ito ng 293 votes o lagpas sa kalahati ng kabuuang boto.

Bumoto ang 548 registered student-voters ng unibersidad sa nasabing online survey.
Ayon sa HAU-University Student Council, isinagawa nila ang mock election upang alamin ang pulso ng mga Angelite para sa paparating na Midterm Elections. Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matalino at makabuluhang boto. #