fbpx
Guests Blog

Kauna-unahang Tricycle App sa Pampanga

TRYKE!

Inilunsad na ang kauna unahang tricycle app sa Pampanga!

Ang app na nagkataon din sa tawag na TRYKE ay pag aari nina John Eric Tumang at John Kevin Gaviola na matagal nang magkaibigan mula Mexico, Pampanga.

Ayon kay Tumang, ang app ay gawang Kapampangan.

Unang raratsada sa Bayan ng Mexico ang pagbook ng mga trike bilang pilot area ng app.

Point to Point ang magiging ruta ng mga traysikel na mga miyembro ng TRYKE.

Wala raw dapat ikabahala sa singil ng pasahe dahil nakabatay ito sa mga lokal na fare matrix na ipinapatupad ng munisipyo.

Hangad ng app na tulungan ang mga namamasadang tricycle na isang public convenience transport na madagdagan ang kanilang naiuuwing kita.

Tiniyak ni Tumang na mga opisyal na miyembro ng mga TODA ang mga trike na bahagi ng kanilang app at may mga prangkisa. Dumaan ang mga ito sa kanilang screening bago maging bahagi ng tinaguriang transport network vehicle service.

Ang app ay maaaring I download sa App Store at Google Play.

Want to get featured here on CLTV? Click here.
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *