Kabalen bodybuilder, 2nd place sa Nat’l Bodybuilding Contest
Nasungkit ng kabalen na si Lourdes Mallari ng Brgy. Quebiawan, City of San Fernando ang 2nd place sa Bikini Classic A ng KG Classic 2026: “The Last Dance.”
Tinalo ni Mallari ang mga katunggali mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa ginanap na National Bodybuilding Competition sa Filinvest Tent Alabang nitong Sabado, August 8.

Naging katuwang ni Mallari sa kanyang paghahanda sa kompetisyon ang coach niyang si Rodney Gonzales.
Hindi ito ang unang podium finish ni Mallari sa KG Classic. Tinanghal siyang 3rd placer sa Bikini Category noon namang 2025.
Samantala, taong 2023 nang nanalo siya bilang kampeon sa Bikini Fitness Newcomer Category ng International Fitness and Bodybuilding Federation (IFBB) Philippines Nationals. #
