Insidente ng sunog sa Mt. Arayat, naitala nitong Holy Week
Ilang insidente ng malawakang sunog ang naiulat nitong nakalipas na Holy Week sa Mt. Arayat. Kinumpirma ito ni Mayor Jeff Luriz, bagama’t hindi pa aniya maaaring ibahagi sa ngayon ang kumpletong detalye ng imbestigasyon.

Ayon sa alkalde, patuloy pa ang assessment sa insidente kaya hindi pa malinaw ang eksaktong oras ng fire out at ang kabuuang lawak ng pinsala.
Ganunpaman, batay sa mga kuhang video at live footage mula sa mga opisyal ng barangay, makikita ang tindi at lawak ng nasabing sunog.
Isa sa mga nagbahagi ng live footage ay si San Juan Baño Kap. Froilan Soriano, kung saan makikita ang pagkalat ng apoy sa kabundukan. Nagbigay ito ng paunang paglalarawan sa publiko kung gaano kalaki ang nasunog na bahagi ng bundok.
Hiwalay pa rito, may isang netizen din na nakakuha ng drone shot sa Brgy. Turo na nagpapakita ng lawak ng sunog mula sa himpapawid.
Patuloy ang panawagan ng mga otoridad sa publiko na maging maingat at iwasan ang anumang aktibidad na maaaring magdulot ng sunog, lalo na sa panahon ng matinding init. #
