Ilang Bambanense, nagpakita ng suporta para kay Mayor Alice Guo
Nagkalat ang mga poster na nagpapahayag ng suporta kay Mayor Alice Guo sa Bamban, Tarlac nitong Lunes, May 20.
Ito’y matapos irekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa Office of the Ombudsman na patawan ng preventive suspension ang alkalde habang iniimbestigahan ang kanyang posibleng pagkakasangkot sa illegal POGO activies sa kanilang bayan.