Higit 1-M indibidwal, apektado ng pagbaha sa Pampanga
Umabot na sa mahigit isang milyong indibidwal ang apektado ng pagbaha sa Pampanga kasunod ng enhanced southwest monsoon o habagat, batay sa pinakahuling situational report ng lalawigan alas-sais ng umaga ngayong Lunes, August 24.
Base sa datos, 314,945 pamilya o 1,009,257 indibidwal ang apektado habang 253 barangay mula sa 16 na local government units ang nakapagtala ng pagbaha.
Nananatili naman sa evacuation centers ang 3,142 pamilya o 11,366 katao, habang 2,599 pamilya o 11,575 indibidwal ang nasa labas ng evacuation centers.
Malaki rin ang naging epekto ng magkakasunod na sama ng panahon sa sektor ng agrikultura.
Nasa ₱923.3-million ang naitalang pinsala sa fisheries, corn at vegetables na nakaapekto sa 9,314 farmers at fisherfolk. Umabot naman sa ₱24.67-million ang pinsala sa livestock at egg production na nakaapekto sa 1,051 farmers.
Sa kabuuan, tinatayang nasa ₱1.4-billion na ang agricultural damage sa Pampanga dahil sa pinagsamang epekto ng Super El Niño, Bagyong Maymay at Luis, at habagat. #
