Handa ka bang mag-donate ng organ sa iyong asawa?
Handa ka bang mag-donate ng organ sa iyong asawa?
Si Mark Alain Felker, oo. Kaso, hindi pwede.

Sa Facebook post ng ating kabalen, sinabi niyang na-diagnose ng chronic kidney disease ang kanyang 27-years-old na asawang si Maureen at kasalukuyang nakikipaglaban para sa kanyang buhay.
“These past few months have tested our strength in ways we never imagined. We’ve cried in silence, fought battles in hospital rooms, and faced each day with heavy hearts but unwavering hope,” saad ni Felker.
Nagsimula nang sumailalim sa dialysis si Maureen subalit kailangan umano niyang sumailalim ngayon sa kidney transplant. Nakahanda aniya si Felker na i-donate ang kanyang kidney sa kabiyak subalit hindi siya qualified.
“I wish more than anything that I could give her mine—but as someone who is also borderline diabetic, I’m unable to donate,” dagdag ni Felker.
Bunsod nito, nanawagan si Felker sa ating mga kababayan na handang tuparin ang kanilang idinadasal na himala. Naghahanap sila ngayon ng kidney donor na below 40 years old, blood type O at nasa mabuting kalusugan.
Sa mga nais tumulong o may kakilalang makatutulong, maaaring makipag-ugnayan sa 0916 449 6864. Tiniyak naman ni Felker na aantabay sila sa lahat ng proseso na pagdaraanan ng kidney donor. #
