Freedom of speech ng mga estudyante laban sa katiwalian, suportado ng CHEd

Suportado umano ng Commission on Higher Education (CHEd) ang karapatan ng mga estudyante na magsalita at magpahayag laban sa katiwalian, lalo’t nahaharap ang bansa sa seryosong usapin ng kurapsyon.
Iginiit ng CHEd na may mahalagang papel ang mga kabataan sa pagsusulong ng pananagutan at mabuting pamamahala, kaya’t anila ay igalang ang kanilang inig at huwag takutin o patahimikin.

Dagdag pa rito, tiniyak rin ng Komisyon na hindi nila pinipilit o inoobliga ang mga estudyante na dumalo sa mga kilos-protesta at malaya silang magpasya kung nais makilahok.
Nagbabala naman ang CHEd laban sa disinformation na lumilito sa publiko. Anila, tungkulin ng Higher Education Institutions na pangalagaan ang mga mag-aaral at suportahan ang mga maaaring maharap sa pagbabanta dahil sa kanilang paninindigan.
Kasabay nito, ipinahayag din nila ang tiwala sa kapulisan at militar sa pagpapanatili ng kaayusan, basta’t isinasagawa ito nang may paggalang sa karapatan ng mga kabataan na magpahayag sa loob ng itinatakda ng batas. #
