Famous personalities sa pageantry at showbiz, pasok sa Top 36 ng Binibining Pilipinas 2025
By Danica Jino, CLTV36 News
Talino, talento, ganda at adbokasiya — iyan ang bitbit ng bawat kandidata ng Binibining Pilipinas 2025.
Mula sa 80 candidates, pormal nang ipinakilala ang Top 36 stunning candidates sa isang pasabog na event sa New Frontier Theater sa Araneta City nitong Martes, April 2.
Asahan ang matinding bakbakan sa stage dahil binubuo ito ng pageant veterans, showbiz personalities, at mga bagong mukha na handang lumaban para sa korona.
Kabilang sa mga napiling kandidata ay ang kilalang personalidad sa larangan ng pageantry at entertainment na si Annabelle McDonnell na naging first runner-up sa Miss Universe Philippines 2022 at second place sa inaugural Miss Charm noong 2023.

Hindi rin magpapahuli sina Katrina Anne Johnson na runner-up noong 2023, at Anna Carres de Mesa na isang Certified Public Accountant at semi-finalist noong 2022.


Kasama rin sa magpapasiklab sa kagandahan ang semi finalist sa Miss Grand Philippines 2024 na si Jenesse Viktoria Mejia.

Samantala, si Kathleen Espenido na dating Pinoy Big Brother housemate at reigning Miss Fit Philippines ay kasali rin.

Hindi rin nagpakabog ang aktres ng ABS-CBN na si Dalia Khattab o mas kilala bilang Dalia Varde.

Nasa social media na rin ang pangalan ng iba pang kandidata na lalaban para sa korona ng Binibining Pilipinas 2025.
Sa ngayon, wala pang anunsyo mula sa organizers kung kailan ang petsa ng coronation night. Para sa updates, bisitahin lamang ang official website ng Binibining Pilipinas.