Ex-PNP Chief Nicolas Torre III, itinalagang bagong MMDA General Manager
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating Philippine National Police chief Nicolas Torre III bilang bagong general manager ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Papalitan ni Torre si Procopio Lipana sa pamumuno ng ahensiyang nangunguna sa pagtugon sa mga suliraning may kinalaman sa Kalakhang Maynila.

Inaasahang dadalhin ni Torre sa MMDA ang kanyang malawak na karanasan sa law enforcement, partikular sa pagpapatupad ng kaayusan, disiplina, at koordinasyon ng iba’t ibang ahensya.
Matatandaang naalis si Torre sa pwesto bilang PNP chief Agosto ngayong taon matapos niyang tumangging sumunod sa utos ng National Police Commission kaugnay sa reassignment ng ilang senior police officials.
Bilang career police officer na may karanasan sa regional at district commands, inaasahang patitibayin ni Torre ang pamamahala at seguridad sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na hamon sa urban governance. #
