End of an era: Juan Ponce Enrile, pumanaw sa edad na 101

End of an era ng Philippine politics kung tawagin ang naging pagpanaw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na kilala rin bilang si JPE o Manong Johnny.
Sumakabilang buhay siya nitong Huwebes, November 13, sa edad na 101.
Ang tubong Cagayan na si Enrile ang kinikilalang pinakamatandang active official ng pamahalaan sa mga nagdaang taon. Nasaksihan niya ang halos lahat ng naging pangulo ng Pilipinas maliban kay Emilio Aguinaldo.
Ngunit bago maging tanyag, nagtapos siya ng cum laude sa UP College of Law noong 1953 at nag-Master of Laws sa Harvard noong 1955, at unang naglingkod sa pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, Sr..
Dito, hinawakan niya ang posisyon bilang Minister of National Defense sa panahon ng diktadura nito.
Naging senador si Enrile mula 1987, at kalaunan ay naging Senate President mula 2008 hanggang 2013, na nagdala sa kanya sa gitna ng mga pinakamahalagang yugto ng pulitika sa bansa.
Isa rin siya sa mga may pinakamahaba at pinaka-kontrobersyal na karera sa larangan ng batas at pamamahala. Kabilang sa mga kinasangkutan niya ang pork barrel scam noong 2013, at na-detain noong 2014.
Nakalaya siya dahil sa humanitarian grounds sa panahon ng administrasyong Duterte noong 2015.
Sa mga huling taon ng kanyang buhay, muling bumalik si Enrile sa serbisyo publiko bilang Chief Presidential Legal Counsel ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..
Sa kabila ng kontrobersya, binansagan siyang isa sa may pinakamatinik na legal minds sa politika, kilala sa talas ng mga argumento at malalim na pag-unawa sa batas at pamamahala. #
