Dong Gonzales, kinasuhan ng 3 counts ng graft

Nahaharap sa three counts ng kasong graft si dating Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. sa Sandiganbayan.
Kaugnay ito ng umano’y conflict of interest niya sa mga infrastructure project ng gobyerno.
Kinumpirma ng Judicial Records Division ng anti-graft court ngayong Biyernes, October 16, ang paghahain ng mga kaso ng mga tauhan ng Office of the Ombudsman.
Itinakda naman mamayang hapon ang raffle ng mga kaso sa mga division ng Sandiganbayan na hahawak sa mga ito.
Nauna nang inakusahan ng Ombudsman ang dating kongresista, na iniuugnay sa A.D. Gonzales Construction, bilang isang “congtractor” o mga mambabatas na may kaugnayan daw sa mga construction firm na kumukuha ng kontrata sa DPWH.
Si Gonzales ay nanungkulan din bilang House Senior Deputy Speaker noong 19th Congress. #
