Comelec, nagpaalala hinggil sa early voting hours para sa seniors, PWDs, at buntis
Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na may nakalaang early voting hours mula 5 AM hanggang 7 AM para sa senior citizens, Persons with Disabilities (PWDs), at mga buntis na botante sa darating na halalan sa May 12, 2025.
Layunin nitong mapagaan ang pagboto ng mga kabilang sa nabanggit na vulnerable sectors.
Ayon sa ahensya, mayroong higit 11.4 milyong rehistradong senior voters at tinatayang 400,000 PWD voters sa buong bansa.
Bukod sa maagang pagboto, may priority lane pa rin ang mga senior voters kahit anong oras sila dumating sa presinto. Maaari ding bumoto ang mga kasama nila kung pareho sila ng voting precinct.
Pinaalalahanan din ang publiko na maghanda sa araw ng halalan sa pamamagitan ng pagdadala ng tubig, pamaypay, at payong upang makaiwas sa abala.
Hinihikayat ng Comelec ang mga nabanggit na sektor na samantalahin ang maagang pagboto para sa kanilang kaligtasan at kaginhawaan. #
