CLSU, nakamit ang prestihiyosong Level IV accreditation ng AACCUP

Nakamit ng Central Luzon State University (CLSU) ang pinakamataas na antas ng pagkilala mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP) matapos igawad sa kanila ang Level IV Institutional Reaccredited Status.
Isa itong malaking tagumpay para sa pamantasan dahil itinuturing ang Level IV accreditation bilang isang patunay ng kanilang commitment sa national at global standards pagdating sa academic excellence.
Sa ginanap na validation visit noong July 1 hanggang July 4, 2025, pinuri ng mga evaluator mula sa AACCUP ang mahusay na pagganap ng CLSU sa iba’t ibang larangan.

Ayon kay CLSU President Dr. Evaristo Abella, patunay ang pagkamit ng Level IV status ng sama-samang pagsisikap ng buong unibersidad, lalo na ng mga guro at kawani na nagsakripisyo mula sa paghahanda hanggang actual assessment.
Unang nakatanggap ng Institutional Accreditation ang CLSU noong 2011 sa Level II.
Makalipas ang higit isang dekada, muli itong kinilala at naiangat sa pinakamataas na antas bilang isa sa mga nangungunang pamantasan sa Pilipinas. #
