Bilang ng mga Pinoy na may trabaho, tumaas: PSA
By MC Galang, CLTV36 News
Tumaas ang employment rate sa bansa batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng May 2025.
Ayon sa PSA, naitala ang employment rate sa 96.1% nitong Mayo na bahagyang mas mataas kumpara sa 95.9% noong May 2024 at April 2025.


Tinatayang nasa 50.29 million ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho ngayong taon — mas mataas kaysa sa 48.87 million noong May 2024 at 48.67 million noong April 2025.
Samantala, bumaba naman ang unemployment rate sa 3.9% nitong May 2025, mula sa 4.1% na naitala sa parehong buwan ng nakaraang taon at nito lamang Abril. #
