Barangay funding at student aid, ihahatid ng “Bawat Bayan Makikinabang” program
Pormal nang inilunsad sa Pampanga ang “Bawat Bayan Makikinabang” program na layong magbigay ng direktang pondo at suporta sa mga barangay sa probinsya.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang rollout ng programa nitong Huwebes, May 14, matapos inspeksyunin ang bagong Pampanga Provincial Hospital sa Clark.
Sa ilalim nito, tatanggap ng ₱200,000 ang 505 barangays sa Pampanga at 33 barangay sa Angeles City para sa mga proyektong tutugon sa agarang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Kalahati ng pondo ay ilalaan sa scholarship para sa mga estudyanteng nanganganib huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan.
Bawat barangay ay pipili ng limang benepisyaryo na makakatanggap ng ₱20,000 bawat isa.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng malawakang rice distribution para sa mahigit 1,500 Aeta beneficiaries at iba pang sektor.

Tinatayang mahigit 187,000 individuals sa lalawigan ng Pampanga mula sa iba’t ibang vulnerable sectors ang makikinabang sa rice assistance program sa ilalim ng Local Government Support Fund initiatives. #
