Bagong hakbang para sa mas bukas at tapat na paggamit ng 2026 budget, ilulunsad ng Senado
Kumpiyansa si Senator Win Gatchalian na magiging simula ng tinatawag na “golden age of transparency” ang panukalang mahigit ₱6.7 trillion national budget para sa 2026.
Kasunod ito ng paglulunsad ng mga bagong hakbang para sa mas bukas at transparent na paggamit ng pondo ng bayan.
Sa ilalim ng kanyang sponsorship na House Bill No. 4058 o ang 2026 General Appropriations Act, sinabi ni Gatchalian na layon ng mga reporma na ibalik ang tiwala ng publiko matapos ang mga alegasyon ng katiwalian sa ilang proyekto ng pamahalaan.
Kabilang dito ang pagtatatag ng Senate Budget Transparency Portal, kung saan makikita ng publiko ang livestream ng mga pagdinig, dokumento, at kopya ng National Expenditure Program.
Sa pamamagitan ng portal, maaari ring magpahayag ng opinyon at magpadala ng position paper hinggil sa pambansang badyet.
Ipinagmalaki rin ni Gatchalian na binawasan ng Senado ang unprogrammed funds mula ₱243 billion patungong ₱174.5 billion upang maiwasan ang posibleng maling paggamit ng pondo. #
