Aso sa Pampanga, tinaga sa leeg
(WARNING: GRAPHIC CONTENT)
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso matapos itong tagain sa leeg.
Ayon kay Ris Guese, may-ari ng asong si Austin, nangyari ang insidente sa Brgy. Matamo, Arayat, Pampanga.
Sa sumbong ng pinsan ni Ris na si Drei sa CLTV36 News, may ideya na sila kung sino ang gumawa nito kay Austin dahil sa kuha ng CCTV camera.
Nananawagan naman si Ris sa publiko na kung hindi nila gusto ang mga aso ay huwag naman sana saktan ang mga ito. May puso rin daw at pakiramdam ang mga hayop na tulad ni Austin.
Ilan naman sa mga nag-comment ang nagpaabot ng mensahe sa Philippine Animal Welfare Society at sa Animal Kingdom Foundation upang aksyunan ang nangyari.
Samantala, base sa Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act, ang sinumang mahuhuling nagpapahirap o nananakit ng hayop ay maaaring parusahan ng pagkakakulong o pagmultahin.