Finland, naghahanap ng 16 single adults para sa libreng 4-day trip at blind date

Nagbukas ang tinaguriang world’s happiest country na Finland ng applications para sa kanilang Finnish Dinner Date. Isa itong four-day trip sa Finland na gaganapin sa February 9-19, 2027, para sa labing-anim na single adults mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
And take note, sagot na ng organizers ang round-trip airfare, accommodation, meals at activities. Pero hindi lang basta sightseeing ang ganap dito.
Ayon sa Visit Finland, ang highlight ng trip ay isang group blind dinner date kung saan hahatiin ang international guests sa dalawang Finnish cities — ang Helsinki at Tampere.
Sa bawat grupo, makakasama nila ang dalawang local Finnish singles para sa isang special dinner na inihanda ng mga kilalang chefs sa kanilang bansa.
Bukod sa dinner date, ma-eexperience din ng participants ang tradisyunal na Finnish sauna, sightseeing at foraging o paghahanap ng mga edible ingredients sa kalikasan.
Inspired ang nasabing campaign sa sinkkukori o single basket trend sa Finland. Dito, gumagamit ng pink baskets ang mga single shopper sa supermarkets bilang subtle signal na available sila at open to meeting someone.
Samantala, para makasali, kailangan ikaw ay single, at least 18 years old, at hindi residente ng Finland. Kailangan ding gumawa ng short video sa English at sagutin ang tanong na: “What would you serve on a dinner date, and why?”
Ipo-post ito publicly sa Instagram, TikTok o YouTube gamit ang hashtag na #FinnishDinnerDate at ita-tag ang official account ng Visit Finland. Pagkatapos, kailangang isumite ang video link sa application form ng campaign.
Hanggang November 10, 2026, 11:59 AM at oras sa Finland, ang petsa ng submission. December 1 naman ia-announce ang 16 lucky participants.
Ngunit, bago mag-imagine ng happily ever after, nilinaw ng Visit Finland na hindi ito isang formal matchmaking service, kundi natatanging experience sa mga destinasyon, bagong food discoveries, at ang pagkakataong makakilala ng ibang tao. #
