‘Bawat Bayan Makikinabang’ Program, inilunsad sa Tarlac; libo-libong residente, nakatanggap ng bigas
By Noel Celeste, CLTV36 News
Nakatanggap ng tig-10 kilong bigas ang nasa 3,077 residente sa Tarlac sa paglulunsad ng Bawat Bayan Makikinabang Program sa probinsya nitong Huwebes, July 30.
Bahagi ang programa ng pinaigting na food security initiative ng pamahalaan na layong matiyak na direktang maipapaabot ang sapat na supply ng bigas sa mga pamilyang higit na nangangailangan, sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.


Bukod sa rice subsidy, ipinagkaloob din ang mahigit ₱102.2-million financial assistance para sa 511 barangays sa lalawigan sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) ng Office of the President. Gagamitin ang pondo para sa iba’t ibang inisyatiba sa komunidad.
Sa ilalim naman ng SCPF, tumanggap ang bawat barangay ng ₱100,000 para sa development at safety projects, bukod pa sa karagdagang ₱100,000 na para sa limang Presidential Scholars.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., umabot na sa ₱22.22-billion ang pondong nailaan sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang Program para sa 1,266 local government units (LGUs) sa buong bansa mula nang ilunsad ito noong June 2026. #
