Mister Pampanga candidate RJ Perkins, viral sa swimwear category; netizens, hati ang reaksyon
By Vin Dela Peña, CLTV36
Naging usap-usapan at laman ng social media ang Mister Pampanga 2026 candidate na si RJ Perkins mula Angeles City sa swimwear competition na ginanap nitong April 19 sa bayan ng Mexico.

Kapansin-pansin ang confidence niya sa stage habang rumarampa.
Agad na nag-viral sa social media ang video ni Perkins na nakatanggap ng sari-saring komento mula sa mga netizens.
Marami ang humanga sa kanyang stage presence, performance, at tiwala sa sarili na itinuring ng ilan bilang pagpapakita ng body positivity.
Kasabay nito, may ilang netizens din na nag-comment tungkol sa kanyang physique na umano’y hindi pasok sa norm, standard, o tradisyunal na pamantayan ng isang pageant contestant.
Ayon kay Perkins, hindi niya inaasahan ang naging viral na atensyon sa kanyang pagrampa at ikinatuwa niya ang mga positibong komento na natanggap mula sa publiko.
Nakatakdang makipagtagisan si Perkins kasama ang 21 candidates para masungkit ang titulong Mister Pampanga 2026.
Gaganapin ang preliminary competition sa May 3, habang sa May 9 naman ang grand coronation.
Para sa tickets at iba pang detalye, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng Mister Pampanga. #
