Mga Fernandino, maaari nang magbenepisyo sa YAKAP at GAMOT Program ng PhilHealth
Inilunsad na ng City of San Fernando LGU, Department of Health Region 3, at PhilHealth ang GAMOT (Guaranteed Accessible Medications for Outpatient Treatment) Program sa CSF Central Pharmacy, Kayabe Infirmary, City Civic Center sa Barangay San Isidro nitong Lunes, April 6.

Layon ng programa na maibigay sa mga Fernandino ang benepisyo ng PhilHealth GAMOT kung saan ang bawat miyembro ay may ₱20,000 halaga ng essential medicine na maaaring gamitin sa loob ng isang taon.
Kailangan lamang na registered o updated ang PhilHealth record. Ikalawa, nakapili ang miyembro ng YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) clinic gamit ang eGovApp sa mobile phone o bumisita sa PhilHealth office. Ikatlo, na-check-up ng YAKAP physician o doctor para mabigyan ng prescription. Matapos ito ay pwede nang makuha ng miyembro ang kaukulang gamot sa parehong YAKAP clinic o sa GAMOT pharmacy.
Ang YAKAP clinic ay may 21 essential na gamot, habang 54 ang sa GAMOT pharmacy.
Narito ang listahan ng YAKAP Clinics at GAMOT Pharmacy sa CSFP na magbibigay rin ng serbisyo para sa health screening, check-up, dental, laboratory, at mga gamot. Bukod sa YAKAP, kabilang rin sa mga serbisyo ang maternity care package (MCP) at TB DOTS para sa tuberculosis.
YAKAP CLINICS
1. Dolores RHU I/ Birthing Station 3 San Jose
2. Sindalan RHU II/ Birthing Station 1 Sindalan
3. San Nicolas RHU III/ Birthing Station 4 San Nicolas
4. San Agustin RHU IV/ Birthing Station 1 San Agustin
5. City of San Fernando RHU V
6. San Fernando Super Health Center
GAMOT PHARMACY
1. City of San Fernando Central Pharmacy
Ang Syudad ay mayroon ding:
1. City Health Office Animal Bite Treatment Center
2. HUG Center Health, Understand and Growth for outpatient HIV-AIDS treatment
Ang launching ng programa ay pinangunahan nina Mayor Vilma Caluag, DOH Regional Director Dr. Corazon Flores, PhilHealth Acting Vice President Atty. Ma. Emily P. Roque, at Acting Branch Manager Dr. Rowena S. Zabat-San Mateo. Katuwang rin dito si Coun. Reginaldo “G4” David, DOH at PhilHealth officers, mga doktor, dentista, nurse, at 120 Barangay Health Workers (BHWs). #
