Amihan season, tapos na; tag-init, umpisa na: PAGASA
Asahan ang mainit at tuyong panahon sa pagtatapos ng Amihan season simula ngayong Lunes, March 23.
Batay sa opisyal na anunsyo ng PAGASA, nasa transition period na ang bansa kasunod ng termination ng Northeast Monsoon.

Ganunpaman, maaari pa ring makaranas ng malamig-lamig na panahon ang ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa northeasterly winds.
Inaasahan naman ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw kaya inaabisuhan ang publiko na mag-ingat sa matinding init upang maiwasan ang heat stress.
Patuloy ang pagbabantay ng PAGASA sa magiging lagay ng panahon sa bansa at posibleng impact nito. #
