Angeleño creativity, bumida sa runway ng Púpul ning Kalalangan
Nagliwanag ang entablado ng Plaza Angel sa isang gabi ng sining at estilo nang itampok ang runway showcase ng Púpul ning Kalalangan: Katutuan at Tépángan nitong Sabado, February 7.
Bida sa programa ang fashion show na nagpakita ng mga disenyong humuhugot ng inspirasyon sa kultura at identidad ng Angeles City.
Inirampa ng mga modelo ang mga likhang hinubog sa ilalim ng mentorship ng mga batikang designer gaya nina Frederick Policarpio, Jojo Macapinlac, Marlon Tuazon, Mitch Viray, Philip Torres, Rosette Biag, at Rich Sabinian.
Hindi rin nagpahuli ang ibang larangan ng sining: itinuro ni Borj Meneses ang photography, habang pinalakas naman nina Anna Tiglao at Samantha Gomez ang kumpiyansa ng aspiring creatives sa makeup at modelling.
Ayon sa Angeles City LGU, ang workshop ay naging higit pa sa isang pagsasanay. Nagbigay ito ng makabuluhang palitan ng karanasan at kultura na nag-inspire sa susunod na henerasyon ng mga artista at designer.
Sa huli, pinatunayan ng runway showcase na ang kombinasyon ng talento at mentorship ay kayang lumikha ng mga oportunidad para sa mga kabataang nangangarap. #
