9 critically endangered parrots, nasagip sa Olongapo City
Nasa kustodiya na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang siyam na Philippine Hanging Parrots o tinatawag ding “kulasisi” na nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa Olongapo City.

Kabilang ang mga ibon sa mga ‘critically endangered species’ sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2019-09.
Opisyal na isinuko ng PNP Maritime Group – Regional Maritime Unit 3 ang mga kulasisi para sa wastong pangangalaga, dokumentasyon, at paghahain ng kaso laban sa mga sangkot.
Babala ng DENR, mahigpit na ipinagbabawal ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang ang pagkuha, pag-iingat, at pagbebenta ng wildlife nang walang kaukulang permit.
Hinimok din ng ahensya ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report sa mga otoridad ang anumang ilegal na aktibidad na may kinalaman sa wildlife upang maprotektahan ang biodiversity ng bansa. #
