77% ng City College of Angeles Class of 2026, may trabaho na bago ang graduation

Hindi na dadaan sa paghahanap ng trabaho ang mayorya ng mga magtatapos sa City College of Angeles (CCA) ngayong taon.
Ito ay matapos maitala na tinatayang 77% o 1,207 mula sa kabuuang 1,567 na miyembro ng Graduating Class of 2026 ang may tiyak nang trabaho bago pa man ang kanilang graduation.
Kabilang sa mga industriyang nagbukas ng pinto sa graduating students ang Information Technology (IT), Marketing and Communications, Education, Hospitality and Tourism, Accounting and Finance, Retail, Government Service, Arts and Entertainment, at iba pang larangan.
Ayon sa Angeles City LGU, iniuugnay ang mataas na employment rate sa mas pinalakas na work immersion, internships, at industry partnerships ng kolehiyo.
Sinabi rin ng pamahalaang lungsod na naging prayoridad nitong iakma ang college curriculum ng CCA sa aktwal na pangangailangan at pamantayan ng mga local at international companies. #
