7 alumni mula CLSU at PSAU, nanguna sa Vet Licensure Exam
Pitong alumni mula sa mga eskwelahan sa Region 3 ang nanguna sa October 2025 Veterinarians Computer-Based Licensure Examination.
Anim dito ang nagmula sa Central Luzon State University (CLSU).

Rank 1 si Xyryl Lynx Lizardo Doctor matapos makakuha ng 91.04% na rating. Sumunod sa kanya sa ikalawang pwesto ang kapwa CLSU alumnus na si John King Ugot Valdez na may score na 90.64%.
Rank 5 naman si Myca Ella Sarmiento Pastidio na may 90.22% rating, habang Rank 8 si Ali Zandra Pascua Luis na nakakuha ng 89.98%.
Hindi nalalayo ang score ng dalawa pang CLSU graduate na si Marc Joseph Soriano Tagarino na nasa 9th spot at may 89.86%, at si Joshua Lawrence Garcia Palma na Rank 10 at may rating na 89.56%.
Samantala, No. 7 sa topnotcher list si Clarissa Alip Catilago na mula Pampanga State Agricultural University (PSAU).

Kabilang din ang CLSU at PSAU sa top performing schools sa naturang board exam.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 77.32% o 1,108 sa 1,433 examinees ang pumasa sa Veterinarians Licensure Examination na isinagawa nitong October 27 hanggang 29. #
