6 Central Luzon alumni, pasok sa Top 10 ng Customs Brokers Licensure Exam
Anim na alumni mula sa dalawang kolehiyo sa Central Luzon ang napabilang sa Top 10 ng November 2025 Customs Brokers Licensure Examination.
Nakuha ni Kris Rean Asinas Agaton ng Gordon College ang Rank 5 matapos makakuha ng 93.25% rating.

Limang Mabalaceño naman mula sa Mabalacat City College ang sumunod sa kanya.
Nasa 6th spot si Sophia Olalia Pineda na may 93% rating; Rank 8 si Lyka Maneclang Bautista na may 92.5% rating.
Pareho namang nasa Rank 9 sina Chemalyne Nicdao Canlas at Jim Zane Dizon na nakapagtala ng 92.25% score.
Habang nasa 10th spot ang kapwa nila MCC graduate na si Jianne Trisha Olalia na may 92% rating.
Sa kabuuan, nanguna ang Mabalacat City College sa mga paaralang may pinakamaraming pumasa. Sa 68 na kumuha ng pagsusulit, 66 ang nakapasa o katumbas ng 97.06% passing rate.

Nasa Rank 5 ang Gordon College kung saan 101 out of 121 examinees ang pumasa o 83.47%.
Ayon sa Professional Regulation Commission, isinagawa ang CBLE noong November 17 to 18, 2025, kung saan 2,238 out of 3,078 examinees sa buong bansa ang pumasa. #
