51 barangay patrol units, ipinamahagi sa 4 na bayan sa Pampanga
Nasa 51 unit ng mga bagong patrol vehicle ang ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa apat na bayan sa Pampanga.

Sa panibagong batch ng distribusyon, nakatanggap ng 11 unit ang Minalin, 12 unit sa Apalit, 7 sa Santo Tomas, at 21 naman sa Bacolor.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱29.6 million ang kabuuang halaga ng mga ipinamahaging unit.
Sa kasalukuyan, nasa 247 na ang kabuuang bilang ng mga naipamahaging patrol units sa buong lalawigan. Target ng programa na mabigyan ang lahat ng 505 barangays sa Pampanga para sa mas mabilis na emergency response at pagpapanatili ng peace and order.
Ito na ang ikatlong batch ng pamamahagi ng mga unit na isinagawa katuwang ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 3 bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad at serbisyong pangkomunidad sa probinsya. #
