fbpx
Pampanga News NEWS

2 flood control projects sa Porac, Pampanga, natapos na ng DPWH

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 3 ang konstruksyon ng dalawang flood control structure sa kahabaan ng Porac River sa Pampanga.

Napondohan ang mga nasabing proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022 at nagkakahalaga ang mga ito ng ₱48.84-M at ₱19.77-M.

Ang naturang slope protection ay itinayo sa section ng Brgy. Jalung at Pio, Porac upang maprotektahan ang mga ito laban sa matinding pag-ulan at pagbaha.

COURTESY: DPWH

Ang slope protection ng Jalung Section ay isang 482-lineal meter concrete river wall na may steel sheet pile foundation. Magsisilbi raw itong pundasyon para maiwasan ang pagguho ng earth dike na lubhang delikado sa mga residente o naninirahan malapit sa lugar.

Samantala, ang 188-lineal meter concrete revetment sa Brgy. Pio ay itinayo malapit sa river wall ng Brgy. Jalung upang madagdagan ang mga kasalukuyang flood control structures na malapit sa ilog.

Ayon sa DPWH, makatutulong ang mga nabanggit na proyekto hindi lang sa mga residente kundi maging sa mga lokal na magsasaka para maprotektahan ang kanilang mga tanim at ani sa panahon ng bagyo at malakas na pag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?