1st gold medal ng Pinas sa 20th Asian Games, nakuha ni Carlos Yulo sa floor exercise
Tinapos ni two-time Olympic gold medalist Carlos Edriel Yulo ang paghihintay ng Pilipinas para sa una nitong gintong medalya sa 20th Asian Games matapos niyang maghari sa men’s floor exercise sa Nagoya, Japan.

Nagtala si Yulo ng 14.666 points mula sa 5.7 difficulty at 8.966 execution para lampasan ang pambato ng Kazakhstan na si Milad Karimi na may 14.600 points. Nakuha ni Karimi ang silver medal, habang bronze naman si Shoma Tsukiyama ng Japan na may 14.566 points.
Unang Asian Games gold ito ni Yulo at kumumpleto sa kanyang koleksyon ng major titles mula Olympics, World Championships, Asian Championships at Southeast Asian (SEA) Games.
Sa latest medal tally nitong Huwebes, September 24, nasa ika-21 pwesto ang Pilipinas, tangan ang 1 gold, 1 silver at 4 bronze o kabuuang anim na medalya.
Samantala, may pagkakataon pa si Yulo na madagdagan ang kanyang medalya sa finals ng vault at parallel bars.
Magtatapos ang 20th Asian Games Aichi-Nagoya sa October 4, na nagsimula nitong September 19. #
