₱180-K halaga ng unregistered baby diapers, nasamsam sa Bulacan
Arestado ang isang babae matapos mahuling nagbebenta at nagdi-distribute ng mga hindi rehistradong baby diaper sa isang bodega sa Brgy. Sta. Peregrina, Pulilan, Bulacan nitong Martes, October 27.

Nasamsam sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Department of Trade and Industry (DTI), at Pulilan Municipal Police Station ang 170 bundle ng iba’t ibang baby diaper na nagkakahalaga ng ₱180,000.
Ayon sa CIDG, hindi rehistrado ang mga nakumpiska at hindi rin sumusunod sa itinakdang minimum labeling requirements para sa mga produktong ibinebenta sa bansa.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7394 o ang Consumer Act of the Philippines, kailangang may wastong label ang mga produkto para matukoy ang kanilang pinagmulan at mga impormasyong mahalaga sa kaligtasan ng mga mamimili.
Pinayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na huwag bumili ng mga unregistered at walang tamang label na diaper dahil hindi raw tiyak ang kalidad at kaligtasan nito, lalo na para sa mga sanggol. #
