₱220-M pondo mula DPWH, ilalaan sa daycare at computer labs sa Pampanga 1st District
Tatanggap ng kabuuang ₱220 million na pondo ang nasa 68 daycare centers at 13 computer laboratories sa Pampanga 1st District para sa 2026.
Magmumula ang naturang pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na gagamitin sa pagpapatayo, pagpapabuti, at modernisasyon ng mga pasilidad para sa kabataan.
Tinatayang tig-₱50 million ang ilalaan para sa konstruksyon ng Child Development Center sa Angeles City, Mabalacat City, at Magalang upang mas mapabuti ang learning environment ng mga preschoolers.
Habang aabot naman sa ₱70 million ang ibibigay sa Mabalacat at Magalang para sa pagtatayo ng computer laboratories sa public schools sa lugar upang mapalawak ang access ng mga estudyante sa digital learning.
Ayon kay Pampanga 1st District Rep. Carmelo Lazatin, Jr., ang natitirang daycare centers na hindi kasali sa naturang pondo ay isasama sa hihilinging pondo sa susunod na National Budget upang ma-accomodate ang lahat sa distrito. #
