fbpx
NEWS CLTV36 Central Luzon News

‘Basag-kotse’ gang sumalakay, 3 katao nabiktima sa isang gabi

‘Basag Kotse’ Gang sumalakay, 3 nabiktima sa isang gabi | CLTV36 News
‘Basag Kotse’ Gang sumalakay, 3 nabiktima sa isang gabi | CLTV36 News

CITY OF SAN FERNANDO (P)– Viral ngayon sa social media ang sunod-sunod na insidente ng basag-kotse modus.

Nito lamang kasing gabi ng December 8, tatlo agad ang nabiktima ng basag-kotse gang sa buong City of San Fernando, Pampanga.

Ayon sa San Fernando-PNP, ang unang insidente ay nangyari bandang alas siete ng gabi sa harap ng isang restaurant sa may Lazatin boulevard. Kwento ng biktimang si Gel Paterson sa kaniyang Facebook post, natangay lahat ng kanilang gamit kasama na ang kakukuha pa lamang na 13th month pay.

Basag din ang kotse ng isa pang biktima na si Sammy Gabon, bandang alas siete y media nang sila nama’y nag-park sa harap ng isang banko sa Brgy. Dolores. Nang makabalik sa sasakyan, nakita nilang basag na ang salamin nito at wala na rin ang kanilang gadgets at pera.

Tulad nang nangyari sa sasakyan nina Gel at Sammy, hindi rin nakaligtas ang sasakyan ni Jessa Mae Basillo na pumarada naman sa sa labas ng isang food establishment sa Brgy. San Nicolas. Tinangay rin ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang mga id’s at pera.

Samantala…

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa mga insidente.

Talamak umano ang mga ganitong klase ng pagnanakaw tuwing papalapit ang holiday season.

Kaya naman doble-bantay na rin umano ang mga otoridad lalo na sa matataong lugar.

“Nagcheckpoint po tayo,nag-conduct po tayo ng motorcycle patrol at patrolling around the area,” sabi ni Lt. Col. John Clark

Dahil sa pagiging agresibo ng mga kawatan, nanawagan na rin ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pamamagitan ng ibayong pag-iingat.

“Tulungan po tayo na maiwasan ang mga ganitong klaseng insidente sa hindi pag-iiwan ng mahahalagang gamit sa sasakyan upang hindi mabigyan ng oportunidad itong mga lawless elements na ito,” dagdag pa ni Clark.

Hinihikayat din ang publiko na mag-park sa mga lugar na may cctv o security guard upang masigurong ligtas ang inyong mga sasakyan. | Ulat ni Reiniel Pawid

FOLLOW US on:

facebook.com/cltv36official

facebook.com/cltv36news

twitter.com/CLTV36

youtube.com/cltv36official

instagram.com/cltv36official

#CLTV36 #CLTV36News #CLTV #CLTVNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *