Voter turnout ng mga botante abroad, bumaba ngayong midterm elections: Comelec
By Karylle Garcia, CLTV36 News intern
Bumaba ang voter turnout ng mga Pilipinong botante sa abroad ngayong midterm elections, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia.
Aniya, mas mababa ang voter turnout sa kasalukuyang overseas voting kumpara noong 2022 presidential elections dahil tila mas mahalaga ito para sa mga botante.
“That has been the trend every midterm elections. The turnout is usually low since they are not electing the President and Vice President,” ani Garcia.
Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 80,000 mula sa 1.241-million registered voters sa ibang bansa ang nakaboto na para sa overseas voting.
Sa kabila nito, umaasa ang Comelec na aabot sa 50% ang turnout o mahigit 600,000 overseas voters ang makaboboto sa pamamagitan ng automated counting machines.
“We hope our countrymen will vote…” dagdag ni Garcia.
Ang overseas voting ay nagsimula noong April 13, 2025 at mananatiling bukas hanggang May 12, 2025, alas-7 ng gabi (Philippine time). #