Tarlaqueño students, nagpamalas ng talento sa kauna-unahang Provincial Science Fair ng bayan
Matagumpay na naisagawa ng Provincial Government of Tarlac, sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology Region III (DOST-III), ang kauna-unahang Provincial Science Fair sa lalawigan.
Idinaos ito sa Bulwagan ng Kanlahi, Tarlac City nitong Lunes, February 3.
Layunin ng naturang paligsahan na maging daan upang maipamalas ng mga mag-aaral ng Tarlac ang kanilang natatanging talento at hikayatin sila na mas pag-aralan pa ang mga bagay na may kinalaman sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).
![](https://cltv36.tv/wp-content/uploads/2025/02/476175543_1046918660807252_2133318329543407582_n-1024x683.jpg)
Isa sa naging highlight ng event ang Youth Excellence in Science (YES) Awards ceremony na inihanda ng DOST-Science Education Institute (DOST-SEI). Kinilala rito ang mga natatanging mag-aaral ng Tarlac City at Tarlac Province, mula sa pribado at pampublikong paaralan, para sa kontribusyon nila sa larangan ng science and technology.
![](https://cltv36.tv/wp-content/uploads/2025/02/476395805_1046918804140571_5303127116926092887_n-1024x683.jpg)
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Gov. Susan Yap ang papel ng science and technology sa paghubog ng kinabukasan ng mga Tarlaqueño.
“Science and technology are the cornerstones of progress. By nurturing our youth’s interest in these fields, we are investing in a brighter, more sustainable future for Tarlac,” ani Yap.
Maituturing ng Provincial Government ng Tarlac na isang mahalagang milestone ang programa bilang bahagi ng kanilang ginagawang pagsulong ng STEM education. #