Spurs’ cornerstone Wembanyama, may deep vein thrombosis

Hindi na makapaglalaro pa sa hardcourt para sa natitirang bahagi ng NBA 2024-2025 Season si San Antonio Spurs’ cornerstone Victor Wembanyama.
Ito ay makaraang ma-diagnose ang manlalaro na may deep vein thrombosis sa kanyang kanang balikat, ayon sa report ng koponan nitong Biyernes, February 21.
Sa ngayon ay wala pang detalyadong impormasyon ukol sa kalagayan ni Wembanyama na inaasahan ng Spurs na makababalik sa laro sa susunod na season ng NBA.