Sapat na pondo para sa sektor ng edukasyon, giit ng DepEd
Iginiit ng Department of Education (DepEd) ang pangangailangan ng tuloy-tuloy at sapat na pondo upang mapabilis ang pag-angat ng literacy level ng mga mag-aaral, kasunod ng mas lumalaking pangamba sa kalidad ng pagkatuto sa bansa.
Sa kanilang statement, inihayag nila na sentro ngayon ng kanilang programa ang foundational learning at literacy recovery habang inaangkop ang budget at inaayos ang mga proseso sa loob ng sistema.

Tiniyak din ng DepEd ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya ng pamahalaan at mga education stakeholders upang maging mas kapaki-pakinabang ang inilalaang pondo ng gobyerno sa kanila.
Kabilang sa mga repormang isinusulong ng kagawaran ang revised curriculum sa K-10 at Senior High School, nationwide training sa mga guro at pagkuha ng administrative officers upang mabawasan ang kanilang trabaho.
Pinalalakas din ng ahensya ang pagpapatayo ng silid-aralan, pagbili ng textbooks, at paggamit ng education technology upang tugunan ang lumalawak na pangangailangan sa sektor ng edukasyon. #
