“Roll-Over Internet Bill”, aprubado na sa Kongreso

Lusot na sa third and final reading ng House of Representatives (HoR) ang House Bill 87 o ang “Roll-Over Internet bill” na layuning siguraduhin na napapakinabangan nang buo ng mga subscriber ang data na kanilang binabayaran.
Sa ilalim ng panukala, obligado ang internet service providers na i-roll-over ang hindi nagamit na data hanggang sa katapusan ng taon, basta’t agad na nire-renew ng user ang kanilang subscription matapos ang promo period.
Kapag umabot ng isang taon ang naipong data, maaari itong ma-convert bilang rebates na maaaring gamiting pambayad sa internet service sa susunod na taon.
Samantala, nakasaad din na magkakaroon ng 20% reduction sa naiwang data kapag hindi nakapag-renew ang user sa loob ng limang araw matapos ang promo; at kapag humaba pa ang pagkaantala, mawawala na ang natitirang data.
Itinutulak ng mga proponent ng panukala ang hakbang bilang proteksyon para sa consumers at bilang tulong sa lumalawak na digital needs ng mga estudyante, remote workers, at maliliit na negosyo. #
