Precinct finder para sa 2025 elections, hindi madaling ma-hack: Comelec
By Rhandol Nixon Lapuz, CLTV36 News intern
Sinigurado ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na hindi basta-basta maha-hack ang precinct finder ng ahensya na gagamitin sa paparating na 2025 Midterm Elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, marami na ang nagtangkang pasukin ang website ng ahensya. Umabot na umano sa 35 million hacking attempts ang natanggap nila simula pa noong nakaraang eleksyon.

Nakipagtulungan na ang Comelec sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science and Technology (DOST), at iba pang mga ahensya upang pagtibayin ang seguridad ng kanilang mga website.
Ang nasabing precinct finder ay magiging accessible dalawang linggo bago ang eleksyon. Makikita rito ang eksaktong polling place at status ng registered voters. Kailangan lamang i-input ang full name, date of birth, at place of registration. #