Post-calamity assessment, isinagawa ng CSFP LGU
Matapos ang pananalasa ng magkakasunod na bagyo at habagat, nagsagawa ng post-calamity assessment ang Pamahalaang Lungsod ng San Fernando nitong Lunes, July 28.

Layon ng pagpupulong na suriin ang naging pagtugon ng lungsod sa pinsalang dulot ng kalamidad, at magbigay ng update sa mga kasalukuyan at natapos na proyekto ng bawat tanggapan.
Tinalakay ng mga departamento ang kani-kanilang hakbang sa disaster response gaya ng relief operations, paglilinis ng mga daluyan ng tubig, evacuation efforts, at health programs.
Kasama ring ipinrisinta ang kalagayan ng ilang primary projects tulad ng pagtatayo ng mga healthcare facility, implementasyon ng supplemental budget, at mga usaping may kinalaman sa right-of-way at pangangalaga sa kapaligiran.
Samantala, bago ang naturang pulong, nagsagawa naman ng relief distribution ang CSFP LGU sa ilang barangay sa Syudad na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at habagat at hindi pa rin lubusang nakakaahon mula sa epekto ng pagbaha.

Sa pamamagitan ng koordinasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), barangay officials, at mga konsehal, naiparating ang tulong sa mga residente ng Del Pilar, Pandaras, San Nicolas, at San Pedro. #
