Pope Francis, nakararanas ng double pneumonia: Vatican

Nakararanas ngayon ng sakit na ‘bilateral pneumonia’ si Pope Francis, ayon sa Holy See Press Office ng Vatican nitong Martes ng gabi, February 18.
Nauna nang sumailalim sa iba’t ibang laboratory tests at chest x-rays ang 88-anyos na Santo Papa kung saan ang mga resulta ay patuloy na nagpakita ng kanyang komplikasyon.
“A follow-up chest CT scan, to which the Holy Father was subjected this afternoon—prescribed by the Vatican medical team and the medical staff of the ‘A. Gemelli’ Polyclinic Foundation—revealed the onset of bilateral pneumonia, requiring additional pharmacological therapy,” pahayag ng Holy See Press Office.
Ang ‘bilateral pneumonia’ ay isang uri ng impeksyon na nakaaapekto sa parehong baga ng tao at nagdudulot ng hirap sa paghinga.
Nagpapasalamat naman si Pope Francis sa mga natatanggap nitong suporta at humihingi ito ngayon ng dagdag na dasal para sa kanyang patuloy na paggaling, ayon sa naturang Press Office.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang treatment ng Santo Papa para sa kanyang respiratory tract infection sa Gemelli Hospital.
Matatandaang una nang dinala sa ospital si Pope Francis noong Biyernes, February 14 para naman sa kanyang bronchitis treatment. #