PH Trail Running Team, sasabak sa World Mountain Championships sa Spain
Handang-handa na ang Philippine Trail Running Team na sumabak sa matinding kompetisyon sa World Mountain and Trail Running Championships na gaganapin sa Spain mula September 24-28, 2025.
Binubuo ng 14-man lineup ang pambato ng Pilipinas na sasabak sa long trail, short trail, at age-group divisions. Pangungunahan ito ng beteranong si Arnie Macañeras, na dati nang lumaban sa prestihiyosong torneo sa Austria noong 2023.

Bago ang kanilang kompetisyon, nakatakdang bumiyahe ang grupo patungong Spain sa Huwebes, September 10 upang sumailalim sa training, preparasyon, at acclimatization. Kasama nila ang mga coach, support staff, at medical team na tututok sa kondisyon ng mga manlalaro.
Bagama’t maraming first-timers sa international scene, tiwala ang Philippine Trail Running Association na kaya ng mga manlalaro na makipagsabayan at makapag-uwi ng karangalan para sa bansa.
Mahigit pitumpung bansa ang makakatapat ng Pilipinas, kabilang ang powerhouse teams ng USA, France, Italy, Germany at Spain, gayundin ang matitibay na karibal mula sa Asya tulad ng China, Japan, South Korea, at Nepal. #
